Da Best Pa Rin ang Breastfeeding!

#TriviaTuesday – Alam niyo ba na gaya ni Idol Robin, na ang kaniyang butihing misis na si Mariel ay mayroon ding isinulong na advocacy…??

Oo mga ‘tol, si Mariel ay isa sa matikas na nagsulong ng breastfeeding sa Pilipinas habang inaalagaan niya ang baby girl nila na si Maria Isabella. Binigyan pa siya ng award ng Mother and Child Nurses Association of the Philippines Inc. sa pagiging staunch advocate ng breastfeeding!

Pamilya Padilla - Da Best Pa Rin ang Breastfeeding

Idol na idol ko na rin si Mariel! ♡ ♡ ♡

Kung isa ka ring ina ay makaka-relate ka sa pinagdaanan ni Mariel. Maraming pressure ang nasa paligid na hindi sang-ayon sa 100% breastfeeding – sa mga kaibigan, sa publiko, at pati na din sa mga kapamilya.

Hindi naman masama ang turing nila sa breastfeeding, ngunit napakahirap kalabanin ng nakagisnan at nakasanayan na natin. Nariyang sasabihin ng iyong Nanay o biyenan na kulang ang nadedede ni baby mula sa’yo at mas maigeng painumin na siya ng formula. Nariyan ang mga tao sa publiko na malisyoso, na titingnan ka ng patigilid kapag nagpa-breastfeed ka sa pampublikong lugar. At paano pa kung babalik ka na ng trabaho, paano mo itutuloy ang pag breastfeed kay baby?

Napakalaking challenge nito sa ating lipunan kung tutuusin, ngunit nalampasan itong lahat ng Pamilya Padilla. Gaya ng nabanggit ni Mariel tungkol rito: “Ang breastfeeding ay isang Family Affair,” aniya.

Oo, bukod sa kailangang matibay ang iyong willpower, ay kailangan mo ng 100% support ng iyong asawa. Kaya’t buti na lamang at si Idol Robin ay buo ang suporta at tiwalang binigay kay Mariel upang ipagpatuloy ang breastfeeding para kay Maria Isabella.

Belated Happy Mothers’ Day mga sis! ♡ ♡ ♡

#idolngbayan #tolngbayan #pinoy #idol #pamilyapadilla #familygoals #marielpadilla #breastfeeding #triviatuesday

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s