Anong ginagawa mo para ipadama sa iyong asawa na mahal mo sya? Kelan kayo huling nagdate na kayong dalawa lang?
Mga tol, dapat may quality time kayo ni misis. Kahit gano man kayo ka busy sa mga karir at iba pang mga gawain, ugaliin nyo maglaan ng oras para makasama ang isa’t isa.
Hindi naman kailangan na magdate sa sosyaling restaurant or gumastos ng napakalaki. Ang importante ay uninterrupted time na kayo ay magkasama.
Turo nga ni Idol, araw araw piliin mo alagaan at pasayahin ang iyong minamahal. Bawat sandali ay oportunidad upang magmahalan at mas patibayin pa ang inyong relasyon.
Kung happy si misis at happy si mister, happy family talaga! Walang mas titibay pa sa pamilyang masaya sa piling ng isa’t isa.
#robinpadilla #idolngbayan #marielpadilla #pamilyapadilla #idol #husbandgoals #daddygoals #qualitytime #happyfamily